luang prabang |
spiritwal kasi ung lugar. parang bawal mag-ingay. chillax lahat ng tao.ang maiingay lang dun ung mga falang, o mga dayo tulad ko.lahat ng makita ko dun, matingkad ang kulay, ang mga labas ng templo nila, puro kulay ginto. at nagkalat ang mga monks, mga teenager na lalaki, nag-aaral at tumutulong i-maintain ang wat.
ang mga memorable na moments sa kin dun ay nung nakakita ako ng mga monks na tumugtog sa malalaking drum sa templo. astig! at makilaro ng football sa mga bata sa templo. san ka pa di ba? :)
nagsawa ako sa inihaw na isda, chorizo at manok, at maaanghang na ensalada.
naubos ang kip ko sa kabibili ng mga tinda nila sa night market.
nag-mountain bike ako sa pangalawang araw ko, lumabas ako ng town, nami-miss ko na kasing magbisikleta. nakakita ako ng pupuntahan, may falls na malapit. cute lang. tapos may isa pa pala, pero medyo malayo, 25 km fr edge of town. inisip ko, tutal ala-una ng hapon pa lang naman, kaya ko siguro ito. so pumadyak naman ako papuntang kuang si falls.
e kaso, matarik! bundok pala ang papuntang falls. tapos, ayaw kumagat sa granny nung bike! bandang gitna na ako nakakita ng repair shop. padyak na naman. maganda ang scenery, puro bundok at palayan. pero 230pm, 3 km na lang nasa falls na ko, pinasya ko ng bumalik.dahil baka abutin ako ng dilim, at di na kayanin ng powers ko pumadyak, mag-cramps pa ko, e liblib yung lugar. ang pinaka-importante, baka di ko abutan ang bus ko papuntang vientiane ng 630pm. hay sayang. mas mabilis naman pabalik, may nakuha pang bagong lakas. sakto lang para maligo at magbihis tapos sinundo na ko sa bahay.
sunset sa mekong river |
night market |
mosaic on their temple walls, made of glass |
monks |
gumagawa ng boat |
mahirap talaga pag granny yung nagbibike! =P
ReplyDelete